Mon Confiado, Proud Na Ibinahagi Ang Ilang Larawan Kasama Ang Leading Lady Na Napakagandang Hollywood Actress

 Proud at masayang ibinahagi ni Mon Confiado ang kaniyang mga international movies.


Bukod sa paghahanda ni Mon Confiado sa pagpapalabas ng kaniyang bagong Korean film na 'The Golden Holiday.'

Ang batikang aktor ay muling gaganap bilang main character ng isang foreign movie kasunod ng kaniyang pagganap bilang lead role sa U.S. film na Stateside taong 2017.


Sa pelikula na Stateside, ang kaniyang karakter ay kalaunan na nahanap ang pag-ibig na ginampanan naman ng aktres na si Olivia Hultgren. Isa si Olivia sa mga nagbigay ng magandang ambiance sa naturang pelikula sa kaniyang magandang mukha, kulay asul na mga mata, at syempre, sa kaniyang husay sa pag-arte.



At kamakailan lamang, ibinahagi ni Mon sa kaniyang social media account ang ilang larawan kasama si Olivia.

Saad niya sa caption ng post,

"The very pretty and very professional leading lady of our film "STATESIDE", Holloywood Actress Olivia Hultgren."



Ang naturang larawan ay kuha sa kanilang muling pagkikita ng kaniyang dating leading lady.

Samantala, ngayon ay naghahanda naman si Mon para sa kaniyang darating na international movie. Siya ay parte din ng cast ng American movie na 'Turncoat' na pinangungunahan ng Italian actress na si Annaluisa Capasa sa ilalim ng direksyon ng Filipino-American indie filmmaker na si Marical Chavez.

Ang naturang pelikula ay tungkol sa isang 'mild-mannered' na lalaki na mayroong masaya at tahimik na buhay kasama ang kaniyang Italian na asawa sa LA. Ngunit, bigla na lamang may mga misteryosong tao na pumunta sa kanilang bahay at sinabi na siya ay dating hitman sa Manila.



Ayon sa post ni Confiado,

"Is this a cas3 of mistak3n identity or he has a history no one knows about? He must confront his vi0lent past."

Kahit pa man nagbahagi ang aktor ng ilang mga detalye tungkol sa kaniyang susp3nse-action film, ang petsa naman kung kailan ito ilalabas ay hindi pa din sinasabi hanggang ngayon.



Si Mon ay nakilala sa kaniyang iconic role bilang Emilio Aguinaldo sa historical film na 'Heneral Luna' at 'Goyo: Ang Batang Heneral'.

Comments

Popular posts from this blog

6-yr old na batang Grade 1 Student, takot ng pumasok dahil ‘na trauma’ sa ginawa ng Guro nito

CJ Jaravata sa viral picture niya kasama sina Cheska at Doug Kramer: "Wala pong malisya"

Ka-look-alike ni Jericho Rosales, ipinaglihi raw pala talaga sa aktor