Chakang rapper imbento lang: AJ Raval tinalakan utol na si Vanessa

 Pumalag, dumistansya si AJ Raval sa kapatid na si Vanessa Raval, sa isyu ng huli tungkol sa rapper na pumoporma raw sa kanya.



Ayaw ni AJ na makaladkad ang kanyang pangalan, lalo na ang kanyang ama na si Jeric na aniya ay pumapasan ng bigat ng pagiging “Raval” nila. Napilitan daw siyang magsalita in behalf of her family.


“Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa.


“We may share the ‘Raval’ name, pero hindi ko siya nakasamang lumaki, hindi rin kami close,” putak ni AJ sa kanyang Facebook.


Civil lang daw sila ni Vanessa kapag nagkikita. Mas close raw siya sa nakalakihan niyang ina at sa mga kapatid niya rito.


Masyado umano silang naapektuhan as a family sa pinasok na isyu ni Vanessa. Kaya nilinaw niya na labas sila sa kung anumang kinasasangkutan nito.


“Ganoon din sa akin. Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin,” sey pa ni AJ.


Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng naapektuhan sa issue ni Vanessa lalo na umano sa hip-hop industry.


Si AJ ay nasasangkot sa issue na buntis diumano at ang ama raw ay si Aljur Abrenica.


Si Vanessa naman ay naging topic dahil sa pagsupalpal nito sa isang rapper na aniya ay pangit, babaero, at iresponsableng ama na feeling niya ay gustong maka-score sa kanya.

Comments

Popular posts from this blog

6-yr old na batang Grade 1 Student, takot ng pumasok dahil ‘na trauma’ sa ginawa ng Guro nito

CJ Jaravata sa viral picture niya kasama sina Cheska at Doug Kramer: "Wala pong malisya"

Ka-look-alike ni Jericho Rosales, ipinaglihi raw pala talaga sa aktor