Isang Ama ang Naiyak Dahil sa Pagsusumikap ng 17-Anyos niyang Anak upang Makapagpatayo sila ng Bahay.
Isang kilalang matulungin na vlogger si Virgelyncares, at ngayon may isang dalaga na naman siyang natulungan na mayroong inspirasyong kwento.
Isang 17-anyos na dalaga na nakilala sa pangalan na Klara na sa murang edad ay kinailangan ng magban4t ng but0 para matustusan ang pangangailangan nilang mag-ama sa araw-araw.
SUGGESTED NEWS
Looks and feels like real teeth: look at the price
RTBS Offer
Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito)
Diabextan
Paano ko natanggal ang aking soryasis. Kwento basahin dito
Psolixir
Paano ko natanggal ang aking soryasis. Kwento basahin dito
Psolixir
Sa vlog na ini-upload ni Virgelyncares, ibinahagi nito na dating tindera sa isang bakery si Klara kung saan siya madalas na bumibili ng tinapay at noong pagbalik niya dito ay napag-alaman niya na hindi na pala doon nagtatrabaho ang dalaga.
recommended by
DIABEXTAN
Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito)
ALAMIN PA
Kaya naman naisip niya na puntahan si Klara mismo sa kanilang tahanan kung saan naabutan niya ito na naghahanda ng kaniyang mga paninda.
Si Klara pala ay naglalako na ng mga meryenda at siya ay nakikipwesto lamang sa kanilang kapitbahay na mayroong mabuting kalooban.
CHECK THIS OUT
Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito)
Diabextan
Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito)
Diabextan
Paano ko natanggal ang aking soryasis. Kwento basahin dito
Psolixir
Bukod dito, si Klara ay isa ding online seller at pinagsasabay niyang ibinebenta ang ilan sa kaniyang mga produkto at mga merienda na inilalako.
Sa murang edad pa lamang, kinailangan ng magbanat ng buto ng dalaga para matustusan ang pangangailangan nilang mag-ama. Ang kaniyang ina kasi ay iniwan na sila samantalang hindi naman makapagtrabaho ang kaniyang ama sa ngayon dahil ito ay na-stroke at hindi na din makagalaw at makapagsalita ng maayos.
Ngunit, ang mas nakakamangha dito ay sa edad na 17 ay napapatayo na si Klara ng sarili nilang bahay na mag-ama..Ayon kay Klara, naawa siya sa kaniyang ama na walang maayos na nasisilungan kapag iniiwan niya ito para magtinda.
Sa tulong ng kaniyang tiyo, unti-unti namang nabubuo nina Klara ang kanilang munting tahanan.
Makikita ang labis na pagmamahal ng dalagita para sa kaniyang ina. Ngunit, inamin niya na siya ay nakaramdam ng g4lit dahil sa pag-iwan na ginawa sa kanila ng kaniyang ina. Sa kabila ng nangyari, nais pa din ng dalaga na bumalik sa piling nila ang kaniyang nanay lalo na ngayon na malapit ng matapos ang munting tahanan na kanilang ipinapatayo.
Comments
Post a Comment