Netizens windang sa kahawig ni Jericho Rosales
Aliw ang mga netizen nang naispatan sa Monkayo, Davao de Oro ang kahawig ni Jericho Rosales.
Humakot na ng mahigit 9,000 shares ang post ng netizen na si Hyobz Perez noong Hulyo 30.
Sa kanyang post, ibinahagi niya ang larawan ng lalaking tinagurian bilang ‘Jericho Rosales ng Monkayo.’
Namataan ang lalaki na namamasyal sa isang amusement park sa naturang lugar.
“Sir Bhai with Kuys Echo ng Monkayo, Davao de Oro,” saad niya sa caption.
Naka-tag sa post ang opisyal na FB page ni Jericho Rosales, maging ng programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ upang sumikat ang lalaking kahawig ng aktor.
Wala pa namang reaksyon ang tunay na Jericho sa kumakalat na larawan. Gayunman, nakapag-bigay na ito ng kasiyahan sa maraming netizen.
Comments
Post a Comment