85-Anyos na Lola, Tintiis ang Tubig Dagat ng Ilang Oras Para may Pangsuporta sa 61-Anyos na Anak na May Sakit sa Pag-iisip.
Si lola kahit na nasa 85 anyos na ay maaga pa ring gumigising at ginugugol ang buong oras sa dagat upang suportahan ang kanyang 61 anyos na anak na may sakit sa pag-iisip.
Kada umaga si Lola na kinilala kay Nguyen Thi Ro, gumigising ng maaga upang manguha ng sabong at tahong upang i-benta sa palengke.
Bagama’t, sa kanyang edad halos di na niya kayang magbuhat ng mga mabigat na tahong o sabong kahit pa man ito ay hindi karamihan dahil sa kanyang mahina nang pangangatawan at nasa tubig dagat pa ng mahabang oras.
Habang siya ay nangunguha ng mga tahong at sabong na i-bebenta sa palengke sa kabila ng pagbabad sa tubig dagat ng ilang oras, nagkakaroon siya pangangati sa kanyang katawan pagkatapos ng araw.
Normal na lang daw kay lola ang pagkakaroon ng rashes bilang resulta ng ilang oras na pagbabad sa dagat.
Dahil yan lang daw ang kanyang nakitang paraan upang magkaroong ng salapi para e suporta sa sarili at sa kanyang anak ng pumanaw ang asawa ng siya ay 70 anyos pa.
Comments
Post a Comment